Friday, April 16, 2010

Sipon (Common Cold)

Maraming sanhi ang pagkakasipon ng isang tao. Ilan sa mga dahilan ay ang pagbabago sa temperatura ng kapaligiran, stress, maling pagkain, at allergy.

Ano man ang naging sanhi nito, ang sipon ay nagdudulot ng hindi magandang pakiramdam. Ilan sa mga epekto ng sipon sa isang tao ay ang mga sumusunod:

1. sakit ng ulo at kalamnan sa mukha;
2. pananamlay ng buong katawan;
3. madaling pagkapagod at paghingal;
4. lagnat;
5. ubo;
6. panlalamig ng katawan;
7. pananakit ng kasu-kasuan;
8. pagbahin;
9. kawalan ng ganang kumain;
10. pagkabalisa sa pagtulog;
11. pagbabara ng ilong;
12. pamumula, pagluluha, at maaaring pananakit ng mata;
13. pagkakaroon ng mga bukol sa leeg at likod ng tainga;
14. madaling pagkauhaw; at
15. paninikip ng dibdib

May ibat-ibang natural paraan upang guminhawa ang pakiramdam mula sa mga sintomas na ito. Isa na rito ay ang ppag-iinom ng isang uri ng espesyal na tsaa. Ito ay madaling gawin at maaaring gawin sa bahay dahil ang mga sangkap nito ay karaniwang makukuha sa kusina.

Mga sangkap:
1. luya (isang pulgada ang haba)
2. bawang, isang malaking butil
3. katas ng kalamansi, isang kutsarita

Mga pamamaraan:
1. Talupan ang luya at bawang. Hiwain ng napakanipis ang luya at hatiin sa dalawa ang bawang.
2. Magpakulo ng dalawang basong tubig sa kaldero. Huwag gumamit ng aluminum.
3. Kapag kumulo na tubig, ilagay ang luya. Huwag tatakpan.
4. Hayaan itong kumulo sa loob ng sampung minuto.
5. Pakatapos ng sampung minuto, ilagay ang bawang at pahinaan ang apoy.
6. Pakalipas ng limang minuto, patayin ang apoy at isalin ang tsaa sa isang tasa. Maaring salain ito para hindi sumama ang mga sangkap.
7. Ihalo ang kalamansi at hayaang lumamig ng bahagya.
8. Inumin ito kapag kaya na ang init.

Maaring gawin ito anumang oras na masama ang pakiramdam dahil sa sipon.